Sony Xperia XA Ultra - Legal na impormasyon

background image

Legal na impormasyon

Sony F3211/F3213/F3215

Ang User guide na ito ay inilimbag ng Sony Mobile Communications Inc. o ng lokal na kaakibat na kumpanya nito,

nang walang anumang warranty. Ang mga pagpapabuti at pagbabago sa User guide na ito na dulot ng mga

typographical na error, mga pagkakamali sa kasalukuyang impormasyon, o mga pagpapabuti sa mga program at/o

kagamitan, ay maaaring gawin ng Sony Mobile Communications Inc. anumang oras at nang walang abiso.

Gayunpaman, ang mga naturang pagbabago ay maaaring isama sa mga bagong edisyon ng User guide na ito.

Ang lahat ng larawan ay para lang sa paglalarawan at maaaring hindi tumpak na naglalarawan sa aktwal na device.
Ang lahat ng produkto at pangalan ng kumpanyang nabanggit dito ay mga trademark o mga nakarehistrong

trademark ng mga kinauukulang may-ari ng mga ito. Ang lahat ng iba pang trademark ay pagmamay-ari ng kanya-

kanyang may-ari ng mga ito. Nakalaan ang anumang mga karapatang hindi hayagang ibinibigay dito. Bisitahin ang

www.sonymobile.com/us/legal/ para sa higit pang impormasyon.
Maaaring magbanggit ang User guide na ito ng mga serbisyo o application na ibinigay ng mga third party. Ang

paggamit ng naturang programming o mga serbisyo ay maaaring mangailangan ng hiwalay na pagpaparehistro sa

third party na provider at maaaring napapailalim ito sa mga karagdagang tuntunin ng paggamit. Para sa mga

aplikasyong na-access sa o sa pamamagitan ng website ng third party, pakisuri muna ang mga tuntunin ng

paggamit at ang naaangkop na patakaran sa privacy ng mga naturang website. Hindi tinitiyak o ginagarantiya ng

Sony ang pagiging available o ang pagganap ng anumang mga website o inaalok na mga serbisyo ng third party.
May kakayahan ang iyong mobile device na mag-download, mag-imbak at magpasa ng karagdagang nilalaman,

halimbawa, mga ringtone. Maaaring paghigpitan o pagbawalan ng mga karapatan ng third party ang paggamit sa

naturang nilalaman, kasama na ang, ngunit hindi limitado sa paghihigpit sa ilalim ng mga naaangkop na batas sa

copyright. Ikaw, at hindi ang Sony, ang may ganap na responsibilidad para sa karagdagang nilalaman na iyong ida-

download o ipapasa mula sa iyong mobile device. Bago ang iyong paggamit ng anumang karagdagang nilalaman,

mangyaring patotohanan na ang iyong nilalayong paggamit ay wastong nakalisensya o kung hindi man ay

pinapahintulutan. Hindi ginagarantiya ng Sony ang katumpakan, integridad o kalidad ng anumang karagdagang

nilalaman o anumang iba pang nilalaman ng third party. Sa anumang sitwasyon, hindi mananagot ang Sony sa

anumang paraan para sa iyong hindi tamang paggamit ng karagdagang nilalaman o iba pang nilalaman ng third

party.
Bisitahin ang

www.sonymobile.com para sa higit pang impormasyon.

Ang produktong ito ay pinoprotektahan ng ilang partikular na karapatan sa intellectual property ng Microsoft. Ang

paggamit o pamamahagi ng naturang teknolohiya sa labas ng produktong ito ay ipinagbabawal nang walang

lisensya mula sa Microsoft.
Ang mga may-ari ng nilalaman ay gumagamit ng teknolohiyang Windows Media digital rights management

(WMDRM) upang protektahan ang kanilang intellectual property, kasama na ang mga copyright. Gumagamit ng

WMDRM software ang device na ito para i-access ang nilalamang pinoprotektahan ng WMDRM. Kung hindi

maprotektahan ng WMDRM software ang nilalaman, maaaring hilingin ng may-ari ng nilalaman sa Microsoft na

bawiin ang kakahayan ng software na gamitin ang WMDRM upang i-play o kopyahin ang pinoprotektahang

nilalaman. Hindi naaapektuhan ng pagbawi ang hindi pinoprotektahang nilalaman. Kapag nag-download ka ng mga

lisensya para sa pinoprotektahang nilalaman, sumasang-ayon ka na maaaring magsama ang Microsoft ng listahan

ng pagbawi sa mga lisensya. Maaaring hilingin sa iyo ng mga may-ari ng nilalaman na i-upgrade ang WMDRM

upang ma-access ang kanilang nilalaman. Kung tatanggihan mo ang isang pag-upgrade, hindi mo maa-access

ang nilalamang nangangailangan ng pag-upgrade.
Ang produktong ito ay may lisensya sa ilalim ng MPEG-4 visual at AVC patent portfolio na mga lisensya para sa

personal at hindi pangkomersyal na paggamit ng consumer para sa (i) pag-encode ng video alinsunod sa MPEG-4

visual standard ("MPEG-4 video") o sa AVC standard ("AVC video") at/o (ii) pag-decode ng MPEG- 4 o AVC video

na na-encode ng consumer na may ginagawang personal at hindi pangkomersyal na aktibidad at/o nakuha mula

sa provider ng video na binigyan ng lisensya ng MPEG LA na magbigay ng MPEG-4 at/o AVC video. Walang

lisensya ang ibinibigay o ipinapatupad para sa anumang iba pang paggamit. Ang karagdagang impormasyon

kasama ang nauugnay sa mga pampromosyon, panloob at komersyal na paggamit at paglilisensya ay maaaring

makuha sa MPEG LA, L.L.C. Tingnan ang

www.mpegla.com. May lisensya mula sa Fraunhofer IIS and Thomson

ang MPEG Layer-3 audio decoding technology.
HINDI MANANAGOT ANG SONY MOBILE PARA SA ANUMANG PAGKAWALA, PAGKATANGGAL AT/O PAG-

OVERWRITE NG DATA NG PERSONAL NA DATA O MGA FILE NA NAKAIMBAK SA IYONG (KASAMA NA ANG,

NGUNIT HINDI LIMITADO SA MGA CONTACT, TRACK NG MUSIKA AT LITRATO) NA MAGMUMULA SA

ANUMANG PAG-UPDATE NG IYONG DEVICE SA PAMAMAGITAN NG ANUMAN SA MGA PARAANG

INILARAWAN SA USER GUIDE O DOKUMENTASYONG ITO. HINDI KAILANMAN MANANAGOT SA IYO ANG

SONY MOBILE O ANG MGA SUPPLIER NITO PARA SA ANUMAN AT LAHAT NG PINSALA, PAGKAWALA AT

SANHI NG PAGKILOS (NASA KONTRATA MAN O NASA TORT, KASAMA NA ANG, NGUNIT HINDI LIMITADO SA

KAPABAYAAN O IBA PA) NA LUMAGPAS SA HALAGANG AKTWAL MONG IBINAYAD PARA SA IYONG DEVICE.
© 2016 Sony Mobile Communications Inc.
Nakalaan ang lahat ng karapatan.

143

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.