Proteksyon sa SIM card
Maaari mong i-lock at i-unlock ang bawat SIM card na ginagamit mo sa iyong device
gamit ang isang PIN (Personal Identification Number). Kapag na-lock ang isang SIM
card, ang subscription na naka-link sa card ay poprotektahan laban sa maling paggamit,
na nangangahulugang kailangan mong magpasok ng PIN sa tuwing bubuksan mo ang
iyong device.
Kung nagpasok ka ng maling PIN nang masyadong maraming beses, maba-block ang
iyong SIM card. Pagkatapos ay kailangan mong ipasok ang iyong PUK (Personal
Unblocking Key) at isang bagong PIN. Ibinibigay ng iyong network operator ang iyong
PIN at PUK.
Upang mag-set up ng SIM card lock
1
Mula sa Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga setting > Lock screen at seguridad > I-set up ang
lock ng SIM card.
3
I-drag pakanan ang slider sa tabi ng
I-lock ang SIM card.
4
Ipasok ang PIN ng SIM card at tapikin ang
OK. Aktibo na ngayon ang SIM card
lock at ipo-prompt kang ipasok ang PIN na ito sa tuwing ire-restart mo ang
device.
Upang alisin ang isang SIM card lock
1
Mula sa Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga setting > Lock screen at seguridad > I-set up ang
lock ng SIM card.
3
I-drag ang slider pakaliwa sa tabi ng
I-lock ang SIM card.
4
Ipasok ang PIN ng SIM card at tapikin ang
OK.
18
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Para baguhin ang PIN ng SIM card
1
Mula sa Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga setting > Lock screen at seguridad > I-set up ang
lock ng SIM card.
3
Tapikin ang
Baguhin ang SIM PIN.
4
Ipasok ang lumang PIN ng SIM card at tapikin ang
OK.
5
Ipasok ang bagong PIN ng SIM card at tapikin ang
OK.
6
I-type muli ang bagong PIN ng SIM card at tapikin ang
OK.
Upang i-unlock ang isang na-block na SIM card gamit ang PUK code
1
Ipasok ang PUK code at tapikin ang
.
2
Magpasok ng bagong PIN code at tapikin ang
.
3
Muling ipasok ang bagong PIN code at tapikin ang
.
Kung nagpasok ka ng maling PUK nang maraming beses, kailangan mong makipag-ugnayan
sa iyong network operator upang makakuha ng bagong SIM card.