Sony Xperia XA Ultra - Awtomatikong pag-a-unlock sa iyong device

background image

Awtomatikong pag-a-unlock sa iyong device

Pinapadali ng feature na Smart Lock ang pag-a-unlock sa iyong device sa pamamagitan

ng pagbibigay-daan sa iyong itakda ito na awtomatikong mag-unlock sa ilang partikular

na sitwasyon. Maaari mong panatilihing naka-unlock ang iyong device, halimbawa,

kapag nakakonekta ito sa isang Bluetooth® device o kung dala mo ito.
Upang ihanda ang iyong device na awtomatikong mag-unlock, kailangan mo munang

isagawa ang mga sumusunod na hakbang ayon sa pagkakasunod na ibinigay:

Tiyaking mayroon kang aktibong koneksyon sa Internet, mas maganda kung koneksyon

sa Wi-Fi upang limitahan ang mga singil sa trapiko ng data.

Tiyaking na-update ang lahat ng iyong app gamit ang Play Store™ application upang

matiyak na na-update ang Google Play™ services app. Tinitiyak ng pagkakaroon ng

napapanahong Google Play™ services app na maaari mong gamitin ang mga

pinakabagong feature na Smart Lock.

Paganahin ang Smart Lock.

Itakda kung kailan mo gustong awtomatikong i-unlock ang iyong device.

Ang feature na Smart Lock ay ginawa ng Google™ at ang eksaktong functionality ay

maaaring magbago sa paglipas ng panahon dahil sa mga update mula sa Google™.

Maaaring hindi sa bawat market, bansa o rehiyon ay available ang feature na Smart Lock.

Upang i-enable ang Smart Lock

1

Tiyaking nag-set ka ng pattern, PIN o password para sa iyong lock ng screen.

2

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Lock screen at seguridad > Mga trust

agent.

4

I-drag pakanan ang slider sa tabi ng

Smart Lock (Google).

5

Tapikin ang arrow na bumalik sa tabi ng

Mga trust agent.

6

Hanapin at tapikin ang

Smart Lock.

7

Ipasok ang iyong pattern, PIN o password. Kailangan mong ipasok ang lock ng

screen na ito anumang oras na gusto mong baguhin ang iyong mga setting ng

Smart Lock.

8

Pumili ng uri ng Smart Lock.

Pagtatakda sa kung kailan papanatilihing awtomatikong naka-unlock

ang device

Maaari mong itakda ang Smart Lock na panatilihing naka-unlock ang iyong device gamit

ang mga sumusunod na setting:

Mga pinagkakatiwalaang device — Panatilihing naka-unlock ang iyong device kapag

may pinagkakatiwalaang Bluetooth® o NFC device na nakakonekta.

14

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

Mga pinagkakatiwalaang lugar — Panatilihing naka-unlock ang iyong device kapag

nasa isang pinagkakatiwalaang lokasyon ka.

Pagtukoy kung nasa katawan — Panatilihing naka-unlock ang iyong device kapag ikaw

ay nasa isang pinagkakatiwalaang lokasyon.

Mga pinagkakatiwalaang mukha —I-unlock ang iyong telepono sa pamamagitan ng

pagtingin dito.

Pinagkakatiwalaang boses — I-set up ang pagkilala ng boses upang maghanap sa

anumang screen.
Kailangan mong manu-manong i-unlock ang iyong device kapag hindi mo ito ginamit

nang 4 na oras at pagkatapos mo itong i-restart.

Pagkonekta sa mga pinagkakatiwalaang Bluetooth® devices

Maaari mong italaga ang isang nakakonektang Bluetooth® device bilang isang

"pinagkakatiwalaang" device at panatilihing naka-unlock ang iyong Xperia™ device

kapag nakakonekta ito rito. Kaya, kung mayroon kang mga Bluetooth® device na regular

mong ikinokonekta, halimbawa, isang car speaker o home entertainment system, isang

Bluetooth® watch o isang fitness tracker, maaari mong idagdag ang mga iyon bilang

mga pinagkakatiwalaang device at i-bypass ang karagdagang seguridad ng lockscreen

para makatipid sa oras. Naaangkop ang feature na ito kung ikaw ay normal na nasa

isang secure na lugar kapag ginagamit mo ang mga device na ito. Sa ilang pagkakataon,

maaaring kailangan mo pa ring manu-manong i-unlock ang iyong device bago

makonekta ang isang pinagkakatiwalaang device.

Hindi inirerekomendang magdagdag ng mga device na palaging nakakonekta sa iyong device

bilang mga pinagkakatiwalaang device, halimbawa, mga Bluetooth® keyboard o case.

Sa sandaling na-off na ang pinagkakatiwalaang Bluetooth® device, o malayo na ito, nagla-

lock ang iyong screen at kailangan mo ang iyong PIN, pattern o password para ma-unlock ito.

Upang magdagdag ng pinagkakatiwalaang Bluetooth® device

1

Tiyaking nakapares at nakakonekta ang iyong device sa Bluetooth® device na

gusto mong idagdag bilang isang pinagkakatiwalaang device.

2

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Lock screen at seguridad > Smart Lock.

3

Sa menu ng Smart Lock, tapikin ang

Mga pinagkakatiwalaang device >

Magdagdag ng pinagkakatiwalaang deviceBluetooth

4

Tapikin ang pangalan ng isang device upang piliin ito mula sa listahan ng mga

nakakonektang device. Ang mga nakapares na device lang ang lumalabas sa

listahang ito.

5

Depende sa seguridad ng iyong koneksyon, maaaring kailanganin mong manu-

manong i-unlock ang iyong device bago mapanatili itong naka-unlock ng

pinagkakatiwalaang device.

Upang mag-alis ng pinagkakatiwalaang Bluetooth® device

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Lock screen at seguridad > Smart Lock >

Mga pinagkakatiwalaang device.

3

Tapikin ang device na nais mong alisin.

4

Tapikin ang

Alisin ang pinagkakatiwalaang device.

Tinitiyak na secure ka kapag gumagamit ng mga pinagkakatiwalaang

device

Sinusuportahan ng iba't ibang Bluetooth® device ang iba't ibang pamantayan ng

Bluetooth® at kakayahang panseguridad. May posibilidad na magawa ng isang tao na

panatilihing naka-unlock ang iyong Xperia™ device sa pamamagitan ng paggaya sa

iyong koneksyon sa Bluetooth, kahit na wala na sa paligid ang iyong pinagkakatiwalaang

device. Hindi palaging natutukoy ng iyong device kung secure ang iyong koneksyon

laban sa isang taong sumusubok na gayahin ito.
Kapag hindi matukoy ng iyong device kung gumagamit ka ng secure na koneksyon o

hindi, makakakuha ka ng notification sa iyong Xperia™ device at maaaring kailangan mo

15

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

itong manu-manong i-unlock bago ito mapanatiling naka-unlock ng pinagkakatiwalaang

device.

Maaaring mag-iba-iba ang range ng pagkakakonekta sa Bluetooth® depende sa mga salik

gaya ng modelo ng iyong device, ng nakakonektang Bluetooth® device at ng iyong

kapaligiran. Depende sa mga salik na ito, maaaring gumana ang mga koneksyon sa

Bluetooth® nang hanggang 100 metro ang layo.

Pagkonekta sa Mga pinagkakatiwalaang lugar

Kapag naka-set up ang feature ng Mga pinagkakatiwalaang lugar, nadi-disable ang

seguridad ng lock screen sa iyong Xperia™ device kapag nasa isang itinalagang

pinagkakatiwalaang lokasyon ka. Upang gumana ang feature na ito, dapat ay mayroon

kang koneksyon sa Internet, mas maganda kung Wi-Fi, at dapat mong payagan ang

iyong device na gamitin ang kasalukuyan mong lokasyon.
Upang mag-set up ng mga pinagkakatiwalaang lugar, tiyakin munang naka-enable ang

high accuracy location mode o battery-saving location mode sa iyong device bago ka

magdagdag ng lokasyon ng bahay o mga custom na lokasyon.

Ang mga eksaktong dimensyon ng pinagkakatiwalaang lokasyon at isang pagtatantiya at

maaaring lumagpas sa mga pisikal na pader ng iyong bahay o iba pang mga lugar na

idinagdag mo bilang mga mapagkakatiwalaang lokasyon. Maaaring panatilihin ng feature na

ito na naka-unlock ang iyong device sa loob ng radius na hanggang 80 metro. Isa pa,

alalahanin na maaaring gayahin o manipulahin ang mga signal ng lokasyon. Maaaring i-unlock

ng isang taong may access sa espesyal na kagamitan ang iyong device.

Upang idagdag ang lokasyon ng iyong bahay

1

Tiyaking naka-on ang location at ginagamit mo ang setting na

Napakatumpak o

setting na

Pagtitipid ng baterya Location mode.

2

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Lock screen at seguridad > Smart Lock >

Mga pinagkakatiwalaang lugar > Home.

4

Tapikin ang

I-on ang lokasyon na ito.

Upang i-edit ang lokasyon ng iyong bahay

1

Tiyaking naka-on ang location mode at ginagamit mo ang setting na

Napakatumpak o Pagtitipid ng baterya.

2

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Lock screen at seguridad > Smart Lock >

Mga pinagkakatiwalaang lugar.

4

Piliin ang lokasyon ng iyong bahay.

5

Tapikin ang

I-edit.

6

Sa bar ng paghahanap, ipasok ang lokasyong gusto mong gamitin bilang

lokasyon ng iyong bahay.

Kung magkakapareho ang inyong adress at ng iba pang mga residente, maaari mong idagdag

ang aktwal na lokasyon ng iyong bahay sa loob ng building complex bilang isang custom na

lugar.

Upang alisin ang lokasyon ng iyong bahay

1

Tiyaking naka-on ang location mode at ginagamit mo ang setting na

Napakatumpak o Pagtitipid ng baterya.

2

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Lock screen at seguridad > Smart Lock >

Mga pinagkakatiwalaang lugar > Home.

4

Tapikin ang

I-off ang lokasyon na ito.

Paggamit ng mga custom na lokasyon

Maaari kang magdagdag ng anumang lokasyon bilang pinagkakatiwalaang custom na

lugar kung saan mananatiling naka-unlock ang iyong device.

16

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

Upang magdagdag ng custom na lugar

1

Tiyaking naka-on ang location mode at ginagamit mo ang setting na

Napakatumpak o Pagtitipid ng baterya.

2

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Lock screen at seguridad > Smart Lock >

Mga pinagkakatiwalaang lugar.

4

Tapikin ang

Magdagdag ng pinagkakatiwalaang lugar.

5

Upang gamitin ang kasalukuyan mong lokasyon bilang isang pinagkakatiwalaang

custom na lugar, tapikin ang

Piliin ang lokasyon na ito.

6

Bilang alternatibo, upang magpasok ng ibang lokasyon, tapikin ang icon ng

magnifying glass at i-type ang address. Hahanapin ng iyong device ang napasok

na lokasyon. Upang gamitin ang mga iminumungkahing address, tapikin ang

address.

7

Upang pinuhin ang lokasyon, tapikin ang arrow na pabalik sa tabi ng address, i-

drag ang pin ng lokasyon sa gustong lokasyon, pagkatapos ay tapikin ang

Piliin

ang lokasyon na ito.

Upang mag-edit ng custom na lugar

1

Tiyaking naka-on ang location mode at ginagamit mo ang setting na

Napakatumpak o Pagtitipid ng baterya.

2

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Lock screen at seguridad > Smart Lock >

Mga pinagkakatiwalaang lugar.

4

Piliin ang lugar na gusto mong i-edit.

5

Tapikin ang

I-edit ang Address.

6

Upang magpasok ng ibang lokasyon, tapikin ang icon na magnifying glass at i-

type ang address. Hahanapin ng iyong device ang napasok na lokasyon. Upang

gamitin ang mga iminumungkahing address, tapikin ang address.

7

Upang pinuhin ang lokasyon, tapikin ang arrow na pabalik sa tabi ng address,

pagkatapos ay i-drag ang pin ng lokasyon patungo sa gustong lokasyon,

pagkatapos ay tapikin ang

Piliin ang lokasyon na ito.

Upang mag-alis ng custom na lugar

1

Tiyaking naka-on ang location mode at ginagamit mo ang setting na

Napakatumpak o Pagtitipid ng baterya.

2

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Lock screen at seguridad > Smart Lock >

Mga pinagkakatiwalaang lugar.

4

Piliin ang lugar na gusto mong alisin.

5

Tapikin ang

Tanggalin.

Pagpapanatiling naka-unlock ng iyong device habang dala mo ito

Gamit ang feature ng On-body na pag-detect, maaari mong panatilihing naka-unlock ang

iyong device habang dala mo ito, halimbawa, kung hawak mo ito, o kung nasa bulsa o

bag mo ito. Pinapanatili ng accelerometer sa iyong device na naka-unlock ang iyong

device kapag nararamdaman nitong binibitbit ito. Nagla-lock ang device kapag na-detect

ng accelerometer na ibinaba na ang device.

Hindi malalaman ng On-body na pag-detect kung kaninong katawan ang nakakonekta. Kung

ipapahiram mo ang iyong device sa ibang tao habang naka-unlock ito gamit ang On-body na

pag-detect, maaaring manatiling naka-unlock ang iyong device para sa ibang user. Tandaan na

ang On-body na pag-detect bilang isang feature na panseguridad ay hindi kasing secure ng

isang pattern, PIN o password.

Upang paganahin ang Pagtukoy kung nasa katawan

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Lock screen at seguridad > Smart Lock >

Pagtukoy kung nasa katawan.

3

I-drag ang slider pakanan sa tabi ng

I-off, at tapikin ang Magpatuloy.

17

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

Paggamit sa On-body na pag-detect

Kapag ginagamit mo ang feature ng On-body na pag-detect, kailangan mong alalahanin

ang mga sumusunod na pagkilos:

Kapag nararamdaman ng iyong device na nakalagay ito sa iyong katawan, mananatili

itong naka-unlock pagkatapos mo itong i-unlock.

Anumang oras na ibababa mo ang iyong device at mararamdaman nitong hindi na ito

nakalagay sa iyong katawan, awtomatikong nagla-lock ang iyong device.

Pagkatapos mong ibaba ang iyong device, halimbawa, kung ilalagay mo ito sa isang

mesa, maaaring magtagal nang hanggang isang minuto bago mag-lock.

Pagkatapos mong sumakay sa isang kotse, bus, tren o iba pang mga sasakyang

panlupa, maaaring magtagal nang 5 hanggang 10 minuto bago mag-lock ang iyong

device.

Tandaan na kapag sumakay ka sa isang eroplano o isang barko (o iba pang mga

sasakyang hindi panlupa), maaaring hindi awtomatikong mag-lock ang iyong device,

kaya tiyaking i-lock ito manu-mano kung kinakailangan.

Kapag pinulot mo ulit ang iyong device o lumabas ka sa sasakyan, i-unlock lang ito nang

isang beses at mananatiling naka-unlock ang iyong device nang kasing tagal na dala mo

ito.

Upang i-off ang Pagtukoy kung nasa katawan

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Lock screen at seguridad > Smart Lock >

Pagtukoy kung nasa katawan.

3

I-drag ang slider pakaliwa sa tabi ng

I-on.