Pag-e-edit ng teksto
Maaari kang pumili, mag-cut, kumopya at mag-paste ng teksto habang nagsusulat ka.
Maa-access mo ang mga opsyon sa pag-e-edit sa pamamagitan ng pagtapik sa
ipinasok na teksto nang dalawang beses. Magiging available ang mga opsyon sa pag-e-
edit sa pamamagitan ng isang application bar.
Application bar
Available ang mga sumusunod na pagkilos sa napiling teksto:
•
Kunin
•
Kopyahin
•
I-paste
•
Ibahagi
•
Piliin lahat
Lumalabas lang ang opsyong
I-paste kapag mayroon kang naka-save na teksto sa clipboard.
Upang pumili ng teksto
1
Magpasok ng ilang teksto, pagkatapos ay tapikin ang teksto nang dalawang
beses. Ang salitang iyong tinatapik ay naha-highlight ayon sa mga tab sa
parehong mga gilid.
2
I-drag ang mga tab pakaliwa o pakanan upang pumili ng higit pang teksto.
Para makapag-edit ng teksto
1
Magpasok ng ilang teksto, pagkatapos ay tapikin nang dalawang beses ang
ipinasok na text para lumabas ang application bar.
2
Piliin ang tekstong gusto mong i-edit, pagkatapos ay gamitin ang application bar
para magawa ang mga gusto mong pagbabago.
Upang gamitin ang magnifier
•
Kapag nagpapasok ka ng teksto, tapikin at i-hold ang field ng teksto upang
tingnan ang teksto na pinalaki at upang ilagay ang cursor kung saan mo ninanais
sa loob ng field ng teksto.
71
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.