Mga setting ng still na camera
Upang i-adjust ang mga setting ng still camera
1
I-aktibo ang camera.
2
Upang ipakita ang lahat ng setting, tapikin ang .
3
Piliin ang setting na gusto mong i-adjust, pagkatapos ay mag-edit hangga't nais.
Pangkalahatang-ideya ng mga setting ng still camera
Resolution
Pumili sa pagitan ng ilang resolution at aspect ratio bago kumuha ng litrato.
Nangangailangan ng mas malaking memory ang isang larawang may mas mataas na
resolution.
21MP
5312×3984(4:3)
21 megapixel resolution na may 4:3 aspect ratio. Naaangkop para sa mga larawang gusto mong tingnan sa
mga hindi widescreen na display o i-print sa mataas na resolution.
16MP
5344×3008(16:9)
16 megapixel resolution na may 16:9 aspect ratio. Naaangkop para sa mga larawang gusto mong tingnan sa
mga widescreen na display.
8MP
3264×2448(4:3)
8 megapixel resolution na may 4:3 aspect ratio. Naaangkop para sa mga larawang gusto mong tingnan sa
mga hindi widescreen na display o i-print sa mataas na resolution.
8MP
3840×2160(16:9)
8 megapixel resolution na may 16:9 aspect ratio. Naaangkop para sa mga larawang gusto mong tingnan sa
mga widescreen na display.
3MP
2048×1536(4:3)
3 megapixel resolution na may 4:3 aspect ratio. Naaangkop para sa mga larawang gusto mong tingnan sa
mga hindi widescreen na display o i-print sa mataas na resolution.
2MP
1920×1088(16:9)
2 megapixel resolution na may 16:9 aspect ratio. Naaangkop para sa mga larawang gusto mong tingnan sa
mga widescreen na display.
Self-timer
Gamit ang self-timer, maaari kang kumuha ng larawan nang hindi hahawakan ang
device. Gamitin ang function na ito upang kumuha ng mga self-portrait, o panggrupong
109
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
larawan kung saan maaaring nasa larawan ang lahat. Magagamit mo rin ang self-timer
upang maiwasan ang pag-alog ng camera kapag kumukuha ng mga litrato.
Naka-on (10 segundo)
Magtakda ng 10-segundong pagkaantala simula sa pagtapik mo sa screen ng camera hanggang sa makuha
ang larawan.
Naka-on (2 segundo)
Magtakda ng 2-segundong pagkaantala simula sa pagtapik mo sa screen ng camera hanggang sa makuha
ang larawan.
0.5 seg.
Mag-set ng kalahating segundong delay simula sa pagtapik mo sa screen ng camera hanggang sa makuha
ang litrato.
I-off
Agad na makukuha ang larawan sa sandaling tatapikin mo ang screen ng camera.
Pag-track ng bagay
Kapag pinili mo ang isang bagay sa pamamagitan ng pag-touch dito sa viewfinder,
susundan ito ng camera para sa iyo.
HDR
Gamitin ang setting ng HDR (High Dynamic Range) upang kumuha ng larawan sa
matinding back light o sa mga kundisyon kung saan sharp ang contrast. Tinutumbasan
ng HDR ang nawawalang detalye at nagbibigay ng litratong kinatawan ng parehong
madilim at maliwanag na mga lugar.
Available lang ang setting na ito sa
Manu-mano na mode sa pagkuha.
ISO
Mababawasan mo ang paglabo ng imahe na sanhi ng mga madilim na kundisyon o
gumagalaw na paksa sa pamamagitan ng pagdaragdag sa sensitivity ng ISO. Gayundin,
kung gusto mong kumuha ng maliwanag na litrato kahit na madilim ang paligid, maaari
mong i-set ang ISO sensitivity sa mas mataas na value.
Auto
Awtomatikong itinatakda ang sensitivity ng ISO.
50
Itinatakda ang sensitivity ng ISO sa 50.
100
Itinatakda ang sensitivity ng ISO sa 100.
200
Itinatakda ang sensitivity ng ISO sa 200.
400
Itinatakda ang sensitivity ng ISO sa 400.
800
Itinatakda ang sensitivity ng ISO sa 800.
1600
Itinatakda ang sensitivity ng ISO sa 1600.
3200
Itinatakda ang sensitivity ng ISO sa 3200.
Available lang ang setting na ito sa
Manu-mano na mode ng pagkuha.
Metering
Awtomatikong tinutukoy ng function na ito ang isang balanseng exposure sa
pamamagitan ng pagsukat sa dami ng liwanag na tumatama sa subject na gusto mong
kunan.
110
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Gitna
Sinusukat ang exposure batay sa liwanag ng gitna ng subject.
Spot
Ina-adjust ang exposure sa isang maliit na bahagi ng subject na gusto mong kunan.
Katamtaman
Kinakalkula ang exposure batay sa dami ng ilaw na tumatama sa buong subject.
Available lang ang setting na ito sa mode ng pagkuha na
Manu-mano.
Flash
Gamitin ang flash upang kumuha ng mga larawan kapag hindi maganda ang mga
kundisyon ng ilaw o kapag mayroong backlight. Available ang mga sumusunod na
opsyon kapag tinapik mo ang icon ng flash sa screen ng camera:
Auto
Awtomatikong tinutukoy ng camera kung nangangailangan ng paggamit ng flash ang mga kundisyon
ng ilaw.
Fill flash
Gamitin ang setting na ito kapag mas maliwanag ang background kaysa sa subject. Tinatanggal ng
setting na ito ang mga hindi kanais-nais na madidilim na anino.
Pambawas ng red-eye
Binabawasan ang mapulang kulay ng mata kapag kumukuha ng litrato.
I-off
Nakasara ang flash. Minsan, maaaring mas maganda ang kalidad ng larawan kapag walang flash, kahit
na madilim. Kailangang hindi gumagalaw ang kamay kung kukuha ng litrato nang hindi gumagamit ng
flash. Gamitin ang self-timer upang iwasan ang malalabong larawan.
Torch
Mag-o-on ang flash light kapag kumuha ka ng mga litrato.
Pagpili ng eksena
Gamitin ang feature na Pagpili ng eksena upang ma-set up nang mabilis ang camera
para sa mga karaniwang sitwasyon gamit ang mga paunang na-program na eksena.
Tumutukoy ang camera ng ilang setting para sa iyo upang umangkop sa napiling eksena,
kaya matitiyak ang pinakamagandang video na posible.
I-off
Naka-off ang feature na Pagpili ng eksena at makakakuha ka ng mga larawan nang manu-mano.
Soft skin
Kumuha ng mga larawan ng mga mukha gamit ang isang pinahusay na beauty effect.
Soft snap
Gamitin para sa pagkuha ng mga larawan sa soft na background.
Anti motion blur
Gamitin upang mabawasan ang pag-alog ng camera habang kinukunan ang isang medyo madilim na
eksena.
Landscape
Gamitin para sa mga landscape na larawan. Nagpo-focus sa malalayong bagay ang camera.
pagwawasto sa backlight na HDR
Gamitin upang pahusayin ang mga detalye sa mga kuhang may mataas na contrast. Sinusuri ng
naka-built in na pagwawasto ng backlight ang imahe at awtomatikong ina-adjust ito upang mabigyan
ka ng kuha na tamang-tama ang ilaw.
Portrait sa gabi
Gamitin para sa mga portrait na larawan na kinuha sa gabi o sa mga kapaligirang madilim. Dahil sa
matagal na oras ng exposure, dapat hawakan nang mabuti ang camera o ipatong sa nakapirming
lugar.
Eskena sa gabi
Gamitin kapag kumukuha ng mga larawan sa gabi o sa mga kapaligirang madilim. Dahil sa matagal
na oras ng exposure, dapat hawakan nang mabuti ang camera o ipatong sa nakapirming lugar.
Hand-held twilight
111
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Gamitin para sa pagkuha ng mga larawan gamit ang kamay at sa madilim na lugar nang mas kaunti
ang noise at blur.
Mataas na sensitivity
Gamitin para sa pagkuha ng mga larawan nang walang flash kapag madilim. Binabawasan ang blur.
Gourmet
Gamitin para sa pagkuha ng makukulay na pagkain na nakaayos.
Alaga
Gamitin para sa pagkuha ng mga larawan ng iyong alaga. Binabawasan ang blur at mga red eye.
Beach
Gamitin para sa pagkuha ng mga larawan ng mga eksena sa tabing-dagat o tabing-lawa.
Nyebe
Gamitin sa mga kapaligirang maliwanag para maiwasan ang mga overexposed na larawan.
Party
Gamitin para sa mga panloob na larawan sa madidilim na lugar. Nakakakuha ang eksenang ito ng
panloob na ilaw sa background o ilaw ng kandila. Dahil sa matagal na oras ng exposure, dapat
hawakan nang mabuti ang camera o ipatong sa nakapirming lugar.
Pampalakasan
Ginagamit para sa pagkuha ng larawan ng mga bagay na mabilis na gumagalaw. Binabawasan ng
maikling oras ng exposure ang pag-blur dahil sa pagkilos.
Dokumento
Gamitin para sa mga larawan ng teksto o mga guhit. Nagbibigay sa larawan ng mas mataas at mas
sharp na contrast.
Fireworks
Gamitin para sa pagkuha ng mga detalyadong larawan ng paputok.
Available lang ang setting na ito sa
Manu-mano na mode ng pagkuha.